SA wakas, magkikita na rin sa mata sa mata sina eight-division world champion at Senator Manny Pacquiao at dating high school teacher na si Jeff Horn ng Australia.
Magsasama ang dalawang fighter para sa unang sigwa ng promotional Tour ng kanilang duwelo na nakatakda sa Hulyo 2 sa Suncorp Stadium sa Birsbane, Australia.
Nakatakdang tumulak patungong Brisbane si Pacquaio kasama ang kanyang adviser na si Michael Konz para sa unang press conference ng laban sa Miyerkules.
Estranghero para kay Pacman si Horn, sumabak sa 2012 London Olympics, ngunit wala pang exposure sa labas ng Australia. Sa kabila nito, siya ang No.2 contender para sa titulo ng Pinoy world champion.
“Ngayon ko pa lang makikilatis yung porma.,” pahayag ni Pacquiao.
‘Pero kahit sino naman ang nakalaban ko hindi ako kumpiyansa, pinaghahandaan ko ito,” aniya.
Nagsimula na sa kanyang ‘light training’ si Pacquaio at inaasahan mas magiging agresibo ang paghahanda nito sa unang linggo ng Mayo kung saan makakasama na niya ang kanyang trainer na si Freddie Roach.
Sa kabila ng pagiging aktibo sa boxing, hindi napapabayaan ni Pacquiao ang responsibilidad bilang isang mambabatas, gayundin ang kanyang tungkulin sa pro league.
“Time management lang. Ito naman ang ipinangako ko sa sambayanan. Magboboxing pa ako hangga’t kaya natin pero hindi ko ito isasabay pag may session sa Senado,” aniya.