Nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya na iligtas ang kalikasan mula sa ano mang kasakiman, kasabay ng pagdiriwang ng “Earth Day, Mercy2Earth,” ngayong Sabado, Abril 22, sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Hinikayat din ni Tagle ang mga mananampalataya na makiisa sa “Mercy2Earth” walk bilang pagprotekta sa mga likha ng Diyos.

“Our celebration of the Earth Day and the Divine Mercy Sunday this weekend offers a well-timed opportunity for all of us to gather together and manifest our unity to protect God’s creation from acts of apathy, heartlessness and greed that contribute to climate change and harm human life and dignity,” pahayag ni Tagle.

Sisimulan ng 6:00 ng umaga, sinabi ni Tagle na ang “Mercy2Earth” walk ay magandang pagkakataon upang magkaisa ang bawat isa para sa kalikasan kasabay ng Paris Agreement on Climate Change.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Incidentally, our gathering falls on the day when the Paris Agreement on Climate Change, which aims to limit global warming to 1.5 degrees Celsius, will enter into force for the Philippines. This makes our celebration even more historic and timely,” sambit ni Tagle. (Mary Ann Santiago)