Beauty-Gonzales-copy.jpeg-246x300

INAMIN ni Beauty Gonzales nang humarap siya sa grand launching ng seryeng Pusong Ligaw na natakot siya nang mabuntis siya habang nasa peak pa naman ang career niya.

Kaya ang tanong sa kanya, anong mayroon sa kanya at nakabalik ulit siya pagkalipas ng isang taong pamamahinga?

“Sa totoo lang, siguro I believe that I got the talent and naniniwala sila sa akin, sa talent ko, at ‘buti pinaniwala nila ulit sa akin kasi ang tagal ko ring nawala, for a year.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I don’t wanna say but I know myself that I’m good to the people I’m working with, mahal ako ng mga staff, mahal ko rin sila, and siyempre, naalala rin nila ako. Kasi kung mabait ka sa mga katrabaho mo at pleasant ka sa lahat kahit sino pa ‘yan, like sa utility, sa lahat ng tao sa taping, maalala ka nila. So, thank you,” pahayag ng aktres.

Inamin niyang ipinanalangin niya na sana ay muli siyang bigyan ng project ng ABS-CBN.

“Oo, pati ‘yung pagpapayat ko. Oo ipinagdadasal ko, everyday I pray. Siyempre nu’ng nabuntis ako, I was really scared kasi my God, sunud-sunod na ‘yung proyekto ko no’n, eh.

“From Dream Dad to Ningning and then may Walang Iwanan soap pa ako, I was doing two soap at that time and then I got pregnant, oh, my gosh!

“Lahat yata ng simbahan sa Europe o lahat yata ng napuntahan kong country kinatok ko. Sabi ko, ‘Lord, gusto ko pong bumalik, gusto kong patunayan sa kanila na hindi ako sayang at kaya kong patunayan’. And thankful ako kasi naniniwala sila sa akin and to my manager, Arnold Vegafria kasi muntik na akong hindi maniwala sa sarili ko.

“Yes, muntik na akong hindi maniwala sa sarili ko, kasi I got pregnant at nawala ako sa show, and that’s a big problem kasi they had to pull me out and nakakahiya. ‘Buti na lang mabait ako sa lahat ng tao,” pagtatapat ni Beauty.

Samantala, ikakasal ngayong taon si Beauty at si Norman Crisologo.

“Hindi kami puwedeng mag-out of town kasi may taping pa ako ng Pusong Ligaw, baka hindi ako makarating ‘pag out of town kaya dito lang sa Manila, segue lang ako after ng kasal ko, ha-ha-ha,” masayang sabi ng aktres.

Ang tanong na may konek sa kanyang bagong serye, dumating na ba sa puntong naligaw ang puso niya?

“Sa totoo lang, sa awa ng Diyos, hindi ko naisip na naligaw ako kasi my mama is always there for me. I had a several relationship, pero sila ‘yung naligaw hindi ako. Sa totoo lang, hindi ko naisip na naligaw ako.

“And I want to thank my fiancé na hindi niya hinayaang maligaw ako,” masayang sagot ng aktres.

Mapapanood na ang Pusong Ligaw simula sa Lunes, Abril 24 kapalit ng The Greatest Love (pagkatapos ng The Better Half). (Reggee Bonoan)