WASHINGTON (Reuters) – Nagpahayag ng pagkabahala ang United States nitong Huwebes sa tumataas na bilang ng extrajudicial killing (EJK) sa ilalim ng kampanya kontra ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte at nanawagan sa Pilipinas na tuparin ang pangakong iimbestigahan ang mga ito.

Umaabot na sa 9,000 katao, karamihan ay gumagamit at tulak ng droga, ang pinatay simula nang maupo sa puwesto si Duterte, halos 10 buwan na ang nakalipas.

Ayon kay Patrick Murphy, U.S. deputy assistant secretary of state sa Southeast Asia, nakikiisa ang United States sa layunin ng Pilipinas na matuldukan ang ilegal na droga at nais na makatulong.

“We however do have a very sustained and deep concern when elements of the drug war are operating outside the rule of law,” ani Murphy sa mga mamamahayag. “The growing number of extrajudicial killings is troubling.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“We are urging the Philippines to follow up on its commitment to investigate extrajudicial killings whether they are committed by law enforcement, or of a vigilante nature,” dagdag niya.