Patay sa dalawang armado ang isang aminadong drug pusher na kamakailan lamang ay sumuko sa Oplan Tokhang habang natutulog sa ilalim ng LRT station sa Pasay City, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang napatay na tulak na si Kimaloding Hadji-Azis, 32, ng Molave Street, Sto. Niño, Barangay 145.

Base sa ulat ng pulisya, dakong 9:40 ng gabi, natutulog si Hadji-Azis sa folding chair sa ilalim ng LRT 1-EDSA Station nang dumating ang mga suspek.

“Without any apparent reason, one of the suspects pulled out a firearm and shot the victim on the head,” base sa report.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Dahil sa tama ng bala sa gitna ng ulo, agad namatay si Hadji-Azis.

Ayon sa mga saksi, na pawang takot magbigay ng impormasyon sa mga imbestigador, naglakad lamang patakas ang mga suspek patungo sa Mahogany Street. Sinabi nila na hindi nila mailarawan ang mukha ng mga suspek dahil gabi nangyari ang insidente. (Martin A. Sadongdong)