Mas humaba pa ang listahan ng mga sinibak na government official.
Isinawalat kamakailan ni Pangulong Duterte na sa ngayon ay aabot na sa 96 mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang sinibak sa pagkakasangkot sa kurapsiyon.
Ipinaliwanag ng Pangulo na pinakiusapan niya ang mga ito na matiwasay na lisanin ang gobyerno upang hindi sila mapahiya sa publiko kasabay ng pag-amin na kailangan niya ng “time to remove corruption” sa pamahalaan.
“Ako po’y tumakbo ng Presidente I made no great promises. I said that I would want to stop corruption and I am doing it almost every day,” pahayag ni Duterte sa kanyang pagdalo sa launch ng “Cine Lokal” sa SM Mall of Asia sa Pasay City nitong Miyerkules ng gabi.
“I have fired so many government officials, about 96 of them but hindi ko na lang inano, I did not make it public because you know, when I read the dossier, some of them their sons and daughters were all doctors and lawyers and, you know, I would not want to add to the embarrassment of just taken away from your office, ousted, and suffer ‘yung publicity of corruption,” aniya.
Nito lamang Marso, kinumpirma ng Pangulo ang pagkakasibak sa 92 empleyado ng Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at iba pang ahensiya dahil sa pagkakadawit umano sa kurapsiyon. (Genalyn D. Kabiling0