LOS ANGELES (AP) – Nanay na si Serena Williams.

Kinumpirma ni Kelly Bush Novak, tagapagsalita ng tennis superstar, ang pagdadalang-tao ni Williams. Nasa sinapupunan na ni American tennis icon ang supling nang pagwagihan niya ang Australian Open nitong Enero.

“I’m happy to confirm Serena is expecting a baby this Fall,” pahayag ni Novak sa The Associated Press.

Nauna rito, inilabas ni Williams ang larawan sa Snapchat na may caption “20 weeks,” na mabilis na umani ng alingasgas hingil sa kanyang pagbubuntis.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Hindi na sumabak sa torneo ang 35-anyos na si Williams matapos makamit ang ika-23 Grand Slam singles title.

Nitong Disyembre, naipahayag niya ang relasyon kay Reddit co-founder Alexis Ohanian.