TARLAC CITY - Walong katao ang duguang isinugod sa Tarlac Provincial Hospital matapos na magkabanggaan ang dalawang tricycle sa Tibag-San Jose Road sa Barangay Care, Tarlac City, nitong Martes ng gabi.
Kinilala ni PO1 Gregorio Valete, Jr., ang mga nasugatan na sina Marivic Romero, 29, driver ng Honda TMX 155 motorized tricycle (CC-2964); Paulo Labasan, 25; Michelle, 8; Honrado, 48; Angel Mae, 7; Michael, 9; at Helen Romero, 47, pawang taga-Zone 6, Bgy. Care, Tarlac City.
Sugatan din ang driver ng Racal 125 motorized tricycle (OI-9084) na si Rene Boy Gayla, 26, ng Bgy. Sula, San Jose, Tarlac. (Leandro Alborote)