KENOSHA, WIS. (Reuters) – Iniutos ni President Donald Trump noong Martes ang pagrerepaso sa U.S. visa program para sa pagpapapasok sa bansa ng mga high-skilled foreign worker at nagpahiwatig ng mga posibleng pagbabago.

Bilang pagtupad sa ipinangako niya noong halalan na “America First,” nilagdaan ni Trump ang executive order sa H-1B visa program. Layunin nitong baguhin o palitan ang kasalukuyang lottery system para sa H-1B visa ng merit-based system at hihigpitan ang visa sa highly skilled workers. Ang mga Indian national ang pinakamalaking grupo ng H-1B recipients taun-taon.

“Right now H-1B visas are awarded in a totally random lottery and that’s wrong. Instead, they should be given to the most skilled and highest paid applicants and they should never, ever be used to replace Americans,” sabi ni Trump.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'