pba copy

Mga Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

4:15 n.h. – SMB vs Mahindra

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

7 n.g. -- NLEX vs Ginebra

ITATAYA ng San Miguel Beer ang malinis na karta sa pagsagupa kontra Mahindra sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Commissioners Cup elimination ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ganap na 4:15 ng hapon, pupuntiryahin ng Beermen ang ika-apat na sunod na tagumpay kontra sa Floodbusters na patuloy pa ring hinahanap ang daan pabalik sa winning track kasunod ng apat na sunod na pagkabigo matapos ipanalo ang unang laban.

Sa tampok na laro, magtatapat ang bokya pa ring NLEX at crowd favorite Barangay Ginebra ganap na 7:00 ng gabi.

Sa huling panalo ng Beermen, namuno ang kanilang import na si Charles Rhodes kontra Star sa itinala nitong 29 puntos, 10 rebound at dalawang block.At umaasa si SMB coach Leo Austria na mapapanatili ni Rhodes ang kahalintulad na performance sa mga susunod nilang laro.

“I hope he could sustain this play for our next games because I can see that slowly, he’s getting how it is played here and he’s also getting in the flow of our chemistry,” sambit ni Austria.

Sa kabilang dako, sa panig ng Floodbusters, muntik nang nasilat ang Talk ‘N Text sa nakaraan nilang laro, inaasam nilang makabalik sa winner’s circle na tila abot-kamay na lamang kasunod ng 84-86 na kabiguan sa kamay ng Texters.

Samantala sa tampok na laban, magkukumahog ang Road Warriors na makopo ang napakailap na unang tagumpay matapos ang anim na kabiguan sa pagtutuos nila ng Kings na nais namang makapagtala ng unang back-to-back na panalo kasunod ang natamong ikalawang panalo sa ikatlo nilang laro sa pinakahuling edisyon ng Manila Classico kontra Star, 113-98.

Inaasahan ni Kings coach Tim Cone na magpapatuloy din ang magandang laro ng import na si Justin Brownlee.

“We’re just trying to take this game and hopefully we could make this a pivotal game for us and we could use the momentum for our next games, “ pahayag ni Cone. (Marivic Awitan)