Binaril hanggang sa mamatay ang isang opisyal mula sa Camp Crame habang nagpapakarga ng gasolina sa Pasig City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Police Chief Inspector Rommel Macatlang y Galives, 52, PNP member na nakatalaga sa National Capital Region-Criminal Investigation and Detective Group (NCR-CIDG) sa Camp Crame, Quezon City.

Sa ulat na nakarating sa Eastern Police District, dakong 12:30 ng madaling araw nangyari ang insidente sa Shell gasoline station sa kahabaan ng F. Ortigas Jr. Avenue corner Meralco Avenue, Barangay San Antonio, Pasig City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Rolando S. Anselmo Jr., sakay si Macatlang sa kanyang puting Mitsubishi Adventure van (CRT-560) at nagpapagasolina nang dumating ang dalawang suspek na lulan sa motorsiklo at binunot ng nakaangkas ang kanyang baril at pinaputukan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nakuha ng EPD-SOCO Team, sa pamumuno ni Police Senior Inspector Luisito Lampitoc, mula sa pinangyarihan ang apat na pirasong cartridge case ng hindi batid na kalibre ng baril.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

(Madelynne Dominguez)