LeBron James

‘Big 3’ ng Cavs kumilos; Spurs, humirit din sa 2-0.

CLEVELAND (AP) — Hindi lang si LeBron James ang kailangang kumilos at maagang rumesponde sa panawagan sina Kyrie Irving at Kevin Love – ang dalawa sa nabuong ‘Big Three’ ng Cavaliers.

Ratsada si Irving sa naiskor na 37 puntos at kumana si Love ng 27 puntos para sandigan ang Cleveland sa isa pang pagkolapso sa fourth-quarter tungo sa 117-111 panalo sa Game 2 ng kanilang Eastern Conference first round playoff nitong Lunes (Martes sa Manila).

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Kumubra si James ng 25 puntos, 10 rebound at pitong assist para sa 2-0 bentahe ng defending champion.

Matapos ang makapigil-hiningang panalo sa Game 1, mas naging agresibo ang Cavs sa kabuuan ng laro para makamit ang ika-10 sunod na panalo sa first-round.

Subalit, tulad ng Game 1, nakadikit ang Pacers nang matapyas ang 18 puntos na bentahe ng Cavs sa fourth period.

Nagpakatatag ang Cleveland sa free throw.

Gayunman, kumbinsido si James sa kampanya ng Cavs sa kabuuan.

"We're right there of what we know can become," pahayag ni James.

"We'll figure it out. I'd much rather have an 18-point lead than not have a lead at all. We're right there on turning the switch on what we really can become."

Nakatakda ang Game 3 sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Indianapolis.

Nanguna sa Pacers si Paul George na may 32 puntos at tumipa si Jeff Teague ng 23 puntos.

SPURS 96, GRIZZLIES 82

Sa San Antonio, naitala ni Kawhi Leonard ang postseason career-high 37 puntos at 11 rebound para sandigan ang Spurs sa 2-0 bentahe kontra Memphis Grizzlies sa kanilang Western Conference first round playoff.

Hataw si Leonard ng 9-of-14 sa field at perpekto sa free throw 19-of-19 para sa ika-10 sunod na postseason game laban sa Memphis.

Nag-ambag si Tony Parker ng 15 puntos sa Spurs.

Nanguna si Mike Conley sa natipang 24 puntos sa Grizzlies, habang kumubra sina Zach Randolph at Marc Gasol ng 18 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Lilipat ang aksiyon sa Memphis para sa Game 3 sa Huwebes (Biyernes sa Manila).