SHARON copy

KINUMPIRMA ni Sharon Cuneta na priority niya na simulan ang indie movie project niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha para sa Cinemalaya.

Ayon sa megastar, nagkausap na sila ng director na si Mess de Guzman at pareho silang sabik na mag-shooting.

Nagkaroon ng agam-agam na hindi ito matutuloy due to conflict of schedules resulta ng delays caused ng inaabangang reunion movie nila ni Gabby Concepcion. Ang kaso nga lang, lumabo nang tuluyan na ang itinuturong dahilan ay ang pagtataas diumano ng talent fee ng actor.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang shooting ng Ang Pamilyang Hindi Lumuluha ay sisimulan sa Agosto. Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Sharon ang kanyang, “Thank you from the bottom of my heart, Cinemalaya 2017 for giving me and Direk Mes the privilege and honor to be a part of this year’s entries. I am beyond thrilled and feel truly blessed.”

Samantala, marami pa rin ang hindi nawawalan ng pag-asa na maaayos at matutuloy din ang balik-tambalan nina Sharon at Gabby. (REMY UMEREZ)