VERBANIA (AFP) – Namatay nitong Sabado si Emma Morano, ang babaeng Italian na pinaniniwalaang pinakamatandang tao at ang huling survivor ng 19th century, sa edad na 117, iniulat ng Italian media.

Isinilang noong Nobyembre 29 1899, namatay si Morano sa kanyang bahay sa Verbania, isang maliit na bayan sa hilaga ng Italy na may 2,000 residente.

Ayon sa US-based Gerontology Research Group (GRG), inilipat ni Morano ang korona bilang world’s oldest human sa Jamaican na si Violet Brown, na isinilang noong Marso 10, 1900.

Ang pagpanaw ni Morano, sa edad na 117 taon at 137 araw, ay nangangahulugan na wala na ngayong nabubuhay sa mundo na isinilang bago ang 1900.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa