JERSEY CITY, N.J. (AP) — Ipinagkaloob ni Mike Tyson ang kanyang heavyweight champion belt kay New Jersey Gov. Chris Christie bilang suporta sa isinusulong nitong programa sa prisoner re-entry at drug addiction Nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

“You took the punches, trust me, you deserve it,” pahayag ni Tyson kay Christie sa maiksing programa at media conference.

Pursigido ang Republican governor na tapusin ang nalalabing taon sa posisyon para maresolba ang isyu sa prisoner re-entry at droga.

Nakulong si Tyson noong 1992 sa kasong rape at bumuno ng anim na taon. Sa kanyang pahayag, hinikayat ni Tyson ang mga bilanggo na manatiling masaya at magbagong buhay.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“You got to want to do this stuff. You have to say, ‘I don’t want to rob that guy no more, I don’t want to shoot those people no more.’ And that’s just where it’s at,” sambit ni Tyson.