Sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kahapon na hindi lahat ng income earner ay obligadong maghain ng income tax return (ITR), o magbayad ng buwis.

Ayon dito, sa Section 51 ng Tax Code ay exempted ang isang indibidwal sa paghahain ng ITR kung ang kanyang annual gross income ay hindi lumagpas sa kanyang personal at additional exemption para sa dependent children.

Ang basic personal tax exemption ay P50,000 para sa bawat individual taxpayer at karagdagang exemption na P25,000 para sa bawat dependent ngunit hindi lalagpas sa apat.

Hindi rin obligadong maghain ng ITR ang mga tumatanggap lamang ng compensation income na ang buwis ay ibinawas na ng kanilang mga employer at ini-remit sa BIR gayundin ang mga kumikita ng minimum wage.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang huling araw ng paghahain ng 2016 ITR ay sa Lunes. - Jun Ramirez