BERLIN (AP) – Isandosenang gold bar na nagkakahalaga ng 117,000 euros ($124,000) ang ninakaw sa kotse ng isang babae sa isang maliit na bayan sa Austria.

Nakatago ang 12 bareta sa bag sa likod ng driver’s seat ng sasakyan, na nakaparada sa main square ng Bad Radkersburg, sa hangganan ng Slovenia nitong Miyerkules ng hapon.

Gagamitin sana ng may-ari ang mga ginto sa isang real estate deal. Tumitimbang ang mga ito ng halos tatlong kilo sa kabuuan.

Nadiskubre ng 52-anyos na babae ang pagnanakaw 10 minuto matapos siyang sandaling umalis ng sasakyan.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo