TIYAK na memorable ang Holy Week vacation cum show ni Paolo Ballesteros sa New York dahil sinorpresa siya ng anak niyang si Keira Clare kasama ang dati niyang karelasyon at ina nito na si Maria Katrina Nevada na lumipad pa galing Chicago, Illinois.
Abril 9 (Abril 10 sa Pilipinas) nang dumating ang mag-ina sa New York, batay sa post ni Paolo sa Instagram, “My sweet surprise! #keiraClaire.
Nag-selfie rin ang aktor kasama ang anak bago sila natulog, “Goodnight LA! See you tomorrow mga dabarkads!”
May show si Paolo kasama ang Eat Bulaga Dabarkads na sina Wally Bayola, Alden Richards, Maine Mendoza at Jose Manalo sa Amerika.
Isinama ni Pao ang anak sa libingan ng kanyang ama sa Orange Country, NYC kahapon ng tanghali. Ang post ng actor, “Hi Papa, meet Keira! @mariakatrinanevada.”
Walang pasok ang anak ni Paolo kaya nasasamahan siya ng anak sa series of shows niya sa Amerika. (Reggee Bonoan)