IPINAHAYAG ng ONE Championship organizer na makakalaban ni Team Lakay member Honorio ‘The Rock’ Banario si Jaroslav Jartim ng Czech Republic sa ONE: KINGS OF DESTINY sa Abril 21 sa MOA Arena.

Umatras ang orihinal na karibal ng lightweight veteran na si Rob Lisita bunsod umano ng ‘personal matter’.

Hindi na rin matutuloy ang nakatakda laban nina top featherweight prospect Christian “The Warrior” Lee ng Singapore at Malaysian star Keanu Subba matapos magtamo ng injury ang huli. Ang ipinalit sa kanya ay si Wan Jian Ping ng China.

Makabibili na ng tiket para sa ONE: KINGS OF DESTINY sa www.onefc.com

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Kabilang si Banario sa nagpasikat ng MMA sa bansa at ang karanasan niya sa sports ay hindi mapapantayan. Kilala siyang striker at matikas sa grappling technique.

Kumpiyansa ang dating ONE Featherweight World Champion na maipapanalo ang laban maging sino ang makaharap sa ibabaw ng octagon.

Ito ang unang sabak sa lightweight ng Prague-based mixed martial artist na si Jaroslav Jartim ng Czech Republic.

Tangan niya ang 7-5 karta s MMA pro career sa pangangasiwa ng Penta Gym Prague.