KAPAG hindi abala si Alicia Keys sa kanyang music career, nagiging abala siya sa pagkakawanggawa at mga pagkilos para sa pagbabago ng mundo.
Tumanggap ng parangal ang 36-anyos na singer ng Ambassador of Conscience Awards para sa 2017 ng Amnesty International nitong nakaraang linggo, at tinawag itong “one of the most proud moments of my life.”
“Especially as an activist, as a woman, here in this world, who is driven to recognize the injustice in the world and recognize the unfairness, the inequality, the things that have to change, the ways that we, as everyday people, all of us, have a part to play in that,” saad ng The Voice coach sa isang pahayag.
Matagal nang ipinaglalaban ng Grammy award-winning singer ang isyu ng AIDS/HIV sa mga bata sa buong mundo sa tulong ng organisasyon na Keep a Child Alive (KCA), na isa siya sa mga nagtatag. Nagsalita na rin ang mang-aawit laban sa gun violence, refugee crisis, at reporma sa criminal justice sa mga social justice issue.
“It encourages me to continue to speak out against injustice and use my platform to draw attention to the issues that matter to me,” paglalarawan niya sa award.
Opisyal na ipiprisinta ng organisasyon ang award kay Keys sa May 27 sa Montreal, Canada, ayon sa pahayag.
Bukod sa KCA, inilunsad din ni Alicia Keys ang We Are Here Movement, na humihimok sa kabataan upang kumilos para sa reporma ng criminal justice at pagsisikap na wakasan ang gun violence.
Nagsalita rin siya tungkol sa paglaban sa HIV/AIDs sa taunang Black Ball ng KCA noong Oktubre, at sinabi sa People na lalong nakatulong sa kanya ang pagiging ina upang lalong pag-ibayuhin ang kanyang mga pagsisikap.
“It’s always been way more impactful — even in part of my speech tonight, I talk about how the children who don’t receive access to the medicine that Keep a Child Alive provides oftentimes won’t reach 2 years old,” saad ni Keys.
“And my son Genesis is just about to be 2 years old. Whoa. Can you imagine? So, it gives me a reference point that’s way different than even before. It’s an even deeper understanding of why the fight against AIDS has to continue.”
(People.com)