DAVAO CITY – Nagtamo ng matitinding paso sa katawan ang isang mag-asawa, apat na paslit nilang anak at anim na iba pa kasunod ng pagsabog sa imbakan ng Petronas gas tank sa Km. 7, MacArthur Highway sa Barangay Bangkal dakong 10:00 ng gabi nitong Martes.

Ayon sa Davao City Police Office, nagtamo ng second at third degree burns ang mag-asawang Christito Fuentes at April Joy Ormillo, mga anak nilang sina Kaisha, 4; Christy, 8; Crystal, 7; Christito, Jr., 3; at kaanak na si Leonor Calubio, 15 anyos.

Nakitulog lang nang gabing iyon ang mga bata, na pawang taga-Sitio Toril, Catalunan Grande.

Samantala, bahagya lang ang natamong paso nina Elsa Digue, 51, street vendor; Christian Camarillo, 27; Solieta Enriquez, 27; Christian Carlo Cilla, 23; at Irene Calanda, 24 anyos.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nagbunsod ng sunog ang pagsabog makalipas ang kalahating oras.

Nag-iimbestiga pa ang Bureau of Fire Protection sa sanhi ng pagsabog. (Yas D. Ocampo)