NANGAKO ang It’s Showtime host na si Vice Ganda na darating siya sa Resorts World para suportahan si McNeal “Awra” Briguella sa grand finals ng Your Face Sounds Familiar Kids (YVSFK) nitong nakaraang Linggo.

Pero hindi nakarating si Vice at nag-post na lamang sa Twitter ng dalawang magkasunod na mensahe para sa kanyang 14 year-old “dowter”(daughter).

“Wag ka na magtampo, Awra ikaw naman ang tagapagmana ng lahat ng wig at sapatos ko. #YFSFKidsGrandWinner.”

“My unkabogable dowwwterrr!!! Congratulations!!!! Maraming salamat sa lahat ng bumoto sa anak kong si Awra!! Malaking tulong to sa kanya.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Si Awra ang tinanghal na big winner ng YFSFK at napanalunan niya ang P1M cash, house and lot at package tour sa South Korea.

Samantala, umani ng papuri si Awra maging sa foreign online sites, kabilang ang Teen Vogue, dahil sa kopyang-kopyang impersonation niya kay Nikki Minaj. (ADOR SALUTA)