Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpalabas ng pondo para mabigyan ng pautang na puhunan ang mga magsasaka at mangingisda sa mga lalawigan ng Surigao Del Norte at Nueva Ecija, iniulat kahapon ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol.
Ayon kay Piñol, P80 milyon ang paunang pondo na ibinigay ng Pangulo sa DA para ipautang sa mga magsasaka at mangingisda.
Mula P10,000 hanggang P50,000 ang maaaring utangin ng mga magsasaka at mangingisda para gamitin sa pagbili ng binhi, abono, mga makinarya, lambat, at bangka. (Jun Fabon)