Sinabi ng isang opisyal ng Simbahang Katoliko na ang pag-obserba ng Semana Santa ay isang pagkakataon para matuto ang kabataan ng “Pabasa” (pag-awit ng Pasyon ni Jesus) sa makalumang paraan.

Pinansin ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Public Affairs Committee, na nagiging popular na sa kabataang Pilipino ang paggamit ng mga makabagong himig at modernong awitin sa Pabasa.

“Let the young learn the old way, the traditional way so that they’ll also know how the elderly or their parents do it. There is also value in trying to understand the nature of the old people,” aniya sa isang panayam.

Ang Pabasa ay isang ritwal ng pagbabasa ng “Pasyon”, isang tula na may limang taludtod, na nagsasalaysay ng Pagpapakasakit, Pakamatay at Muling Pagkabuhay ni Hesukristo.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Gayunman, nilinaw ni Secillano na wala namang masama sa paggamit ng mga modernong awitin sa Pabasa lalo na kung hinihikayat nito ang bagong henerasyon na maging madasalin.

“If it will actually attract the young to participate in the Pabasa much better,” aniya. (Leslie Ann G. Aquino)