CABANATUAN CITY - Dalawang hinihinalang drug pusher ang napatay makaraang makipagbakbakan sa mga pulis at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 sa buy-bust operation sa Barangay Lourdes sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Kinilala ni Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra ang napaslang na sina Mario Velasquez, 38, ng Bgy. Cruz Roja, Cabanatuan City; at Victor Gregorio, 44, ng Kaunlaran Village, Malabon City.

Ayon kay Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City, nangyari ang engkuwentro sa kahabaan ng Valdefuente-Fortaleza Road sa Bgy. Lourdes kasunod ng buy-bust operation ng mga awtoridad laban sa mga suspek nitong Abril 5.

Batay sa report, nakahalata umano ang mga suspek at pinaputukan ang mga pulis, na kaagad gumanti ng putok, hanggang sa masawi ang dalawa.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Limang piraso ng plastic sachet na may hinihinalang shabu, isang cell phone at isang .38 caliber revolver ang nakuha kay Velasquez, habang isang .32 caliber at plastic sachet ng hinihinalang shabu naman kay Gregorio, bukod pa sa isang motorsiklo. (Light A. Nolasco0