050417_PBA-GINEBRAvsGLOBALPORT_11_riodeluvio copy

Mga laro ngayon

Mall of Asia Arena

4:30 p.m. Mahindra vs. Talk ‘N Text

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

6:45 p.m. Barangay Ginebra vs. Star

Aasintahin ng Star kontra Ginebra sa Manila Classico ngayong gabi.

Ikalimang sunod na panalo na magluluklok sa kanila sa solong liderato ang pupuntiryahin ng Star sa kanilang pagtutuos ng Barangay Ginebra sa isa na namang edisyon ng Manila Classico sa tampok na laro ngayong gabi ng 2017 PBA Commisioners Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Ganap na 6:45 ng gabi ang pagtatapat ng King at ng Hosthots na huling nagbanggaan noong nakaraang Philippine Cup semifinals kung saan namayani ang una at umusad sa kampeonatong napagwagian naman ng San Miguel Beer.

Mauuna rito, maghaharap naman sa unang salpukan, ganap na 4:30 ng hapon, ang Mahindra (1-4) at Talk ‘N Text (3-1).

Gaya ng nauna nilang apat na tagumpay, pinakahuli kontra Mahindra noong Abril 5 sa iskor na 97-83, muling aasahan ni Coach Chito Victolero ang kanilang depensa.“I hope that we continue to play good defense,” ani Victolero na naghahangad na makabawi sa pagkatalo nila sa Kings noong first conference semis.

Sa panig naman ng Kings, batid ni Coach Tim Cone na magiging mahirap para sa kanila na makopo ang ikalawang sunod na panalo lalo pa’t ang Hotshots ang susunod nilang katunggali.

“Star is a very sharp team, they’ve been playing sharp since Chito (Victolero) took over,” pahayag ni Cone pagkaraang makamit ang unang panalo kontra Globalport sa ikalawa nilang laro sa iskor na 113-96.

Sa pagkakataong ito, nag-deliver, gaya ng inaasahan sa nasabing laro, ang import na si Justin Brownlee na umiskor ng 29 puntos, 8 rebounds, 7 asssists, 4 na steals at 2 blocks.

Samantala sa unang laro, magtatangka naman ang Texters na makatabla sa Meralco (4-1) sa pagtutuos nila ng Floodbusters na asam namang makaahon sa kinasadlakang apat na dikit na kabiguan matapos ipanalo ang una nilang laban.

Nagkaroon ng problema sa jetlag sa nakaraan nilang laban, inaasahang babawi ngayon at ipakikita ang tunay niyang laro ang bagong import ng Mahindra na si Keith Wright na ipinalit nila sa dating import na si James White.

(Marivic Awitan)