BORACAY ISLAND - Isang 60-anyos na Briton ang namatay habang nagda-diving sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Ayon sa imbestigasyon ng Boracay Tourists Assistance Center ng Philippine National Police (PNP), kasama ni Jose Miguel Arenas ang dalawa niyang anak habang nagda-diving sila sa baybaying sakop ng Station 1 sa Balabag, Boracay.

Habang nasa ilalim ng dagat ay biglang nag-panic ang dayuhan kaya nawalan ito ng kontrol at nakalunok ng tubig.

(Jun N. Aguirre)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga