Umabot sa kabuuang 70 katao, kabilang ang 34 na menor de edad, ang dinampot ng Parañaque City Police sa “One Time, Big Time” operation sa ilang barangay sa lungsod, nitong Huwebes ng gabi.

Base sa ulat, dakong 10:30 ng gabi nagsanib puwersa ang halos 200 pulis sa Barangay Vitalez, Bgy. La Huerta, Bgy. Sto. Niño at Bgy. Don Galo ng nasabing lungsod.

Dahil dito, nadakip ang 27 lalaki na naabutang nag-iinuman sa kalye, 6 na nakahubad baro at 3 pa na sangkot umano sa ilegal na droga.

Bukod dito, hinuli rin ang 34 na kabataan na nagkalat sa lansangan sa kabila ng umiiral na curfew.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Agad silang idiniretso sa tanggapan ng DSWD at ipinasundo sa kani-kanilang magulang.

Samantala, aabot naman sa 19 na motorsiklo ang ang nakumpiska matapos mabigo ang mga rider na magpakita ng kaukulang dokumento. (Bella Gamotea)