Kinasuhan na ng murder ang tatlong lalaki at isang babae na itinuturong utak sa pagpatay sa barrio volunteer doctor nitong Marso 1 sa Kapatagan Annex sa Lanao del Norte.

Ito ay makaraang mabuo ng Special Investigation Task Group (SITG) ang mga ebidensiya at testimonya ng mga testigo sa pagpatay kay Dr. Dreyfuss Perlas, tubong Batan, Aklan.

Sinabi ni Senior Supt. Faro Antonio Olaguera, director ng Lanao del Norte Police Provincial Office (LNPPO), na hinihintay na lang nila ang paglabas ng warrant of arrest laban sa mga suspek upang madakip na ang mga ito.

Tumangging pangalanan ang mga kinasuhan, sinabi ni Olaguera na may kinalaman sa trabaho ni Perlas ang pagpatay dito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Fer Taboy)