PALM BEACH, United States (AFP) – Dumating sina Presidents Donald Trump at Xi Jinping sa Florida nitong Huwebes para sa kanilang unang face-to-face summit.

Lumapag si Xi sa Palm Beach airport, kung saan tumanggap siya ng red carpet treatment at military honor guard.

Sunod na dumating si Trump at dumiretso sa kanyang Mar-a-Lago resort – binansagang ‘’Winter White House’’ – kung saan siya ay naging punong abala kay Xi.

Sinadya na maging bukas ang agenda ng 24 oras na summit upang malayang makagalaw at magkapalagayan ng loob ang dalawang lider. Pinakatampok na kaganapan sa Huwebes ang kanilang hapunan. Magpapatuloy ang mga pag-uusap hanggang sa tanghalian ng Biyernes.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo