MISSOURI -- Nahila ni US-based Pinoy chess Grandmaster Wesley So ang standard chess unbeaten streak sa 62 matapos tumabla kay Varuzhan Akobian sa ikapitong round ng US Chess Championships nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) dito.
Naipuwersa ng world No. 2 ang tabla matapos ang ika-45 sulong ng Queen’s Gambit Declined.
Target ni So ang unang US Chess Championship title at malaki ang tsansa niya matapos manguna sa grupo tangan ang apat na puntos, kalahating puntos ang bentahe kay reigning titlist Fabiano Caruana, Akobian, at Daniel Naroditsky.
Tangan ni dating Latvian world champion Mikhail Tal ang record 95 sunod na laro na walang talo.