CARRANGLAN, Nueva Ecija – Isang agnas na bangkay ng tao ang nadiskubre sa bangin sa gilid ng highway sa Carranglan, Nueva Ecija makaraang matuklasan ang pagpapapak dito ng isang asong gala.

Sa ulat ni Senior Insp. Robert De Guzman, hepe ng Carranglan Police, dakong 5:30 ng umaga nang matunton ang bangkay sa bangin sa tabi ng Maharlika Highway sa bahaging sakop ng Sityo Batsing, Barangay Capintalan, Carranglan malapit sa hangganan ng Nueva Ecija at Nueva Vizcaya .

Sa salaysay ni Lito de Guzman Gulitiw, 41, kagawad ng Bgy. Capintalan, nagtaka siya sa pagpapabalik-balik ang kanyang alagang aso sa bangin at laging may pangal-pangal na buto.

Nang sundan ang hayop, laking gulat ni Gulitiw nang salubungin siya ng masangsang na amoy hanggang sa makita niya ang agnas na bangkay ng tao na nilalapa ng aso.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Iniimbestigahan na ng pulisya kung biktima ng summary execution ang bangkay, na hindi pa mabatid ang kasarian.

(Light A. Nolasco)