VICTORIA, Tarlac – Dalawang negosyante ang umano’y hinarang sa sinasakyan nilang tricycle upang holdapin ang isa sa kanila sa San Gabriel Street, Barangay San Fernando, Victoria, Tarlac, nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Benson Jones Berte, natangay ang tatlong cell phone, isang mini iPad at iba't ibang ID ni Rico Mata, 30, may asawa, ng Bgy. Bacayao, Guimba, Nueva Ecija.

Sakay sa tricycle si Mata at kapwa negosyanteng si Jose Gamis, 42, ng Bgy. San Fernando, Victoria, nang harangin at holdapin sila ng mga hindi nakilalang armado sa Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog