Jericho copy

TINUPAD ni Jericho Rosales ang ipinangako nang pumanaw ang kanyang amang si Santiago Rosales, Jr. na tutungo siya mga lugar na pinuntahan ng ama noong nabubuhay pa ito.

Ipinost pa ni Jericho ang picture ng ama na nasa San Juanico Bridge katabi ang sinakyang motorsiklo at nilagyan ng caption na, “Papa, I will find this place someday. I will replicate this photo of yours with your mighty motorbike. I will replicate all the great things you did in life.”

Nangyari na nga ‘yun at sinamahan si Jericho nina Ryan Agoncillo, Drew Arellano at ilan pang mga kaibigan nila. Ang sabi, sumakay muna ng barko ang grupo saka nag-motor papunta ng San Juanico Bridge.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

May hashtag na #SaluteForSantiago2017 ang tatlong araw na trip ng magkakaibigan at nangako si Jericho na magpo-post ng pictures at videos sa mga susunod na araw. (NITZ MIRALLES)