Ipinababasura ni dating Palawan Governor Joel Reyes ang kinakaharap na kasong graft sa Sandiganbayan kaugnay sa fertilizer fund scam noong 2004.

Sa pitong pahinang mosyon, idinahilan ni Reyes ang paglabag sa kanyang constitutional rights sa due process, mabilisang paglilitis at disposisyon ng kaso.

Inihalimbawa niya ang pagkakabasura sa kaso ng mga kapwa niya akusadong sina Department of Agriculture (DA) officer-in-charge Regional Technical Director Rodolfo Guieb at Regional Executive Director Dennis Araullo dahil sa sobrang tagal ng pagkakaantala nito. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony