Tuluyan nang naaresto at hawak na ngayon ng Parañaque City Police ang No. 6 most wanted person sa lungsod nitong Martes.

Kinilala ni Parañaque Police chief Sr. Supt. Jemar D. Modequillo ang akusado na si Carl Rodriguez, alyas “Caloy”, nasa hustong gulang, ng No. 0521 Quirino Avenue, Barangay San Dionisio ng nasabing lungsod.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Parañaque Regional Trial Court (RTC) Branch 259 Judge Danilo Suarez, inaresto ng mga pulis si Rodriguez dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act). (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20