BELA copy

TAWA nang tawa si Bela Padilla nang tanungin namin kung sino ang kasama niyang manonood ng Coldplay ngayong Abril 4 sa SM MOA Concert Grounds.

“’Yung make-up artist ko po, si Josh po muna,” tumatawang sagot ng aktres.

Binanggit naming may alam pa kami bukod kay Josh.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

“Ha-ha-ha, sino po?” natatawa pa ring sagot ng dalaga.

Nagpaalam kami kung puwede naming banggitin ang pangalan.

“N’yay!” tila kinikiliting reaksiyon ni Bela.

Nang banggitin namin si Zanjoe Marudo.... “Ay, hindi po, hiwalay kaming pupunta, wala naman po kaming usapang sabay kaming pupunta. Kasama niya po ‘yung friend niya,” katwiran ni Bela.

‘Doon na kayo magtatagpo?’ hirit namin.

“Hindi ko po alam, wala naman kaming plano,” mabilis na sagot niya.

Manonood din pala ng naturang concert ang ex-boyfriend ni Bela na si Neil Arce.

“Before po, kami ang magkasama, eh, hindi na ‘kami’, so iba na po ang kasama niya. Nakakatawa nga kasi same section kaming tatlo (Neil at Zanjoe),” kuwento ng dalaga.

Ang haba ng hair ni Bela, mapapagitnaan siya nina Zanjoe at Neil.

Bagamat hindi inaamin ni Bela ay halatang kinikilig siya kapag itinutukso namin siya kay Zanjoe. Diretsong tanong, ‘sila na’ ba ni Zanjoe?

“Hindi. Puwedeng ligawan muna niya ako? Ha-ha-ha! Ako pa raw ‘yung nagparamdam,” tumatawang sagot ng dalaga.

Inamin ni Bela na sweet si Zanjoe na kinikilala pa niyang mabuti dahil hindi lang naman daw siya ang inaasikaso nito sa set ng My Dear Heart. Bukod dito, wala pa naman daw sinasabi sa kanya ang aktor.

Tatlong buwan pa lang hiwalay sina Bea at Neil, pero heto at kinikilig na siya sa leading man niya sa My Dear Heart.

Kaya tinanong siya namin kung ano ang reaksiyon ng ex-boyfriend niyang si Neil.

“Ay, okay po sa kanya, boto siya. Sabi pa nga niya, ‘mas okay siguro kasi pareho kayong artista, magkakaintindihan kayo.’ Saka magkakilala po sina Zanjoe at Neil.

“Actually, may plano sana kaming ipag-produce si Zanjoe ng movie, ‘kaso hindi swak ‘yung role, excited nga po ako na makatrabaho ni Zanjoe ‘yung team namin, ‘kaso sayang, hindi bagay sa kanya ‘yung role. Siya rin nanghinayang. Sabi namin, ibang project na lang,” kuwento pa ni Bela.

Sa madaling sabi, okay ang relasyon nila ngayon ng ex-boyfriend niya kasi umokey pa ito kay Zanjoe.

“Sobrang okay po kami ni Neil. Actually, kelan lang nag-dinner pa kami. Madalas po kaming magkasama kasi naging best friend kami. Nag-usap kami na mas magandang maging best of friends na lang kami, araw-araw kaming magkausap.

“Kasi kung sinuman ang mas nakakakilala sa akin bukod sa parents ko, eh, si Neil ‘yun kasi four years din kami na mag-boyfriend-girlfriend.

“Nakakatawa nga kasi siya pa ‘yung nagtatanong ng, ‘wala ka pa bang dini-date?’” masayang kuwento ni Bela.

Si Neil ba may dini-date nang iba?

“Ay, kay Neil n’yo po itanong. Pero ang alam ko, lumalabas naman siya.”

Bakit hindi mawaglit sa isipan ni Bela si Neil at hanggang ngayon ay maganda ang samahan nila?

“Wala po akong masabing masama kay Neil, siguro dumating na ‘yung point na marami kaming trabahong ginagawa, so mas naging magandang magkatrabaho na lang kami, kung paano kami magseryosong mag-usap, nawala na ‘yung lighter side.

“Saka sobrang bait ni Neil, sabi ko nga kapag nagkaanak ako, kukunin kong ninong. Kung baga, package deal na, hindi puwedeng mawala si Neil kasi naging part siya ng buhay ko kaya dapat tanggapin siya ng magiging boyfriend ko or kung sinumang makakatuluyan ko,” paliwanag ni Bela.

Samantala, hindi naman daw isinasara ni Bela ang pintuan niya kay Zanjoe, kung sakali. Pero sa ngayon ay hindi pa niya mawari kung ano ang nararamdaman, kasi nga araw-araw silang nagkikita sa taping ng My Dear Heart.

“Gusto ko pong malaman ‘yung sitwasyon na hindi na kami magkatrabaho, hindi naman sa mami-miss, kundi dahil kasi magkatrabaho kami kaya ganu’n.

“Saka weird din po kasi never pa akong nakipag-date ng katrabaho ko, so hindi ko alam kung it’s a good idea. Wala akong ideya, baka kasi makaapekto sa work,” maayos na paliwanag ng dalaga.

Samantala, nagpapasalamat si Bela sa lahat ng nanonood ng My Dear Heart dahil ang ganda raw ng feedback at consistent ang ratings nito sa primetime. (REGGEE BONOAN)