Ngayong gabi sa Pinas Sarap, aalamin ni Kara David ang pinagmulan ng adobo, ang isa sa pinakasikat na putahe at sinasabing pambansang ulam ng Pilipinas.

Mula Maynila, dadayo si Kara sa La Union, Laguna, at Pampanga para tikman ang iba’t ibang bersiyon ng adobo.

Sa La Union, sisisid si Kara sa dagat para manghuli ng mga pugita. Specialty kasi ng mga residente ng San Fernando ang Adobong Pugita.

Samantala sa Laguna, tutuklasin ng Pinas Sarap ang panlasa ng nakaraan sa paboritong adobo ng bayaning si Dr. Jose Rizal. Iluluto ng mga apo ni Pepe ang mga heirloom recipe ng kanilang pamilya — ang Adobo sa Labanos at Adobo sa Gata.

Tsika at Intriga

Herlene kay 'Kuya' ng PBB: 'Pasok mo ko, talakan ko lang mga namamlastik kay Ashley!'

Sa Pampanga naman, aalamin ni Kara ang orihinal na bersiyon ng adobo, ang Adobong Puti. Hindi tulad ng nakasanayan, walang toyo ang Adobong Puti. Dati raw ang adobo ay hindi lang paraan ng pagluluto kundi paraan din ng pagpipreserba ng pagkain.

Manood at matakam sa mga lutuing Pilipino sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, tuwing Huwebes 10:15 PM sa GMA News TV.