ITATAYA ng Rain or Shine at Meralco ang malinis na karta sa kanilang paghaharap sa isa’t isa sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa 2017 PBA Commissioners Cup sa MOA Arena.

Kapwa may malinis na barahang 3-0, magtutuos ang dalawang koponan ngayong 7:00 ng gabi, matapos ang salpukan ng wala pa ring talong Alaska at Mahindra ganap na 4:15 ng hapon.

Napapanahon ayon kay coach Caloy Garcia ang pag-i-step-up at pagbabalik ng laro nina James Yap at Jay Washington na inaasahang muling mamumuno para sa Elasto Painters.

Naniniwala ang dalawang beterano na ang magandang nilalaro ngayon at panimula ng ROS ay bunga ng mga leksiyong natutunan nila sa dinanas na kabiguan noong isang taon.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Bukod dito, nakakagamayan na din ni Yap ang kanyang bagong team mula sa nakasanayang sistema sa Star.

Sa unang laban, hangad naman ng Aces ng ikatlong dikit na tagumpay kontra Mahindra na nais namang masundan and naitalang unang panalo kontra NLEX.

Inaasahan ni Floodbusters coach Chris Gavina ang mahigpit na laban partikular sa depensa kung saan kilala ang Alaska. (Marivic Awitan)