Nasa P300 milyon ang inilaang pondo ng pamahalaan bilang paunang bayad sa 4,000 biktima ng martial law sa bansa.

Ang nasabing pondo ay ipinadala na ng Human Rights Victims Claims Board (HRVCB) sa Department of Budget and Management (DBM) kasunod ng pag-apruba sa listahan ng mga tatanggap ng pera, ipinahayag kahapon ng Malacañang.

“The Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) sped up process of evaluating and releasing of claims of Martial Law victims as part of its commitment to President Rodrigo Roa Duterte’s goal to expedite the release of the claims,” pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa press briefing sa Palasyo.

Tinugunan ng budget department ang request ng HRVCB “for the release of P300 million from the Bureau of Treasury intended for the partial payment of monetary reparation,” dagdag ni Abella.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aniya, ipinadala ng board sa Office of the Executive Secretary ang kanilang resolusyon “approving their preliminary list of 4,000 eligible claimants and release of partial monetary reparation.”

Sa nasabing bilang ng mga tatanggap, 2,661 sa mga ito ay “presumed victims” habang 1,339 ang bagong aplikante.

Ang kabuuang reparation value para sa human rights victims ay umaabot sa P589 milyon.

Sinabi ng Palasyo na ang kalahati ng pondo ay ipamamahagi sa unang batch ng mga tatanggap sa ikalawang bahagi ng 2017, sa pamamagitan ng Cash Cards facility ng Landbank. (Genalyn D. Kabiling0