Hindi maikakailang binayaran ang New York Times (NYT) para sa demolition job nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ng Malacañang kahapon.

Inakusahan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang isa sa pinakamalaking news outlet sa Amerika ng planong pagpapatalsik sa Pangulo matapos kuwestiyunin ang paglabas ng isang dokumentaryo at dalawang artikulo na hindi patas ang pagbabatikos sa kampanya kontra ilegal na droga ng pamahalaan sa loob ng isang linggo.

“NYT’s very obvious demolition work flies in the face of the very high approval of PPRD (President Rodrigo Roa Duterte) enjoys. The newspaper tries to stir global outrage in a nation that welcomes its newfound peace and order,” ani Abella.

“One can only conclude that certain personalities and politicians have mounted a well funded campaign utilizing hack writers and their ilk in their bid to oust PRRD,” aniya pa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kinontra ni Abella ang bagong dokumentaryo ng NYT na pinamagatang “When A President Says, “I’ll Kill You,” na nakatuon sa kontrobersiyal na “vigilante deaths” kaugnay sa giyera kontra ilegal na droga sa bansa.

Hindi rin ikinatuwa ng Malacañang ang editorial ng NYT na pinamagatang “Accountability for Duterte”, tampok ang “unsubstantiated claims” ng dalawang kritiko ng Pangulo na sina Magdalo Rep. Gary Alejano at Jude Sabio, abogado ng umaming miyembro ng Davao Death Squad na Edgar Matobato.

Binatikos din ni Abella ang news feature ng NYT na “Becoming Duterte: The Making of a Philippine Strongman,” na nagsasalaysay sa pag-angat sa kapangyarihan ng Pangulo “under the context of violence.”

Tinawag niya ang artikulo ng NYT na “a well paid hack job for well-heeled clients with shady motives.”

(Genalyn D. Kabiling)