Kathryn at Daniel copy

PINILI ni Kathryn Bernardo na ipagdiwang ang kanyang 21st birthday sa isa sa mga pinakasikat at pinakamagandang beach destination sa Pilipinas, ang El Nido, Palawan.

Of course, kasama ang kanyang boyfriend at ka-love team na si Daniel Padilla. sa kanilang Palawan escapades.

Kasama rin sa kanilang Palawan escapades ang kanilang ilang close friends, na kinabibilangan nina Khalil Ramos at Arisse de Santos. Ibinahagi nila sa kanilang followers sa social media ang kanilang masasayang photos.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

March 26 ang birthday ni Kathryn, at ang mensahe naman ng kanyang Mommy Min Bernardo, “Happy 21st birthday, anak!

Thanks for being a good daughter, sister and a good person. Always remember, keep your feet on the ground and more blessings will come your way.”

Hiningan naman ng pahayag ang mom ni Daniel na si Karla Estrada.

“Happy Birthday, Kath!!! Maraming salamat sa ligayang ‘binigay mo sa aming pamilya Lalo na sa aking anak na si Daniel. #happybirthdaykathrynB.” (ADOR SALUTA)