Ipinatawag ng European Union nitong Lunes ang Philippine envoy upang ipaliwanag ang tadtad ng murang batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte, na nagbantang bibitayin ang mga opisyal ng EU sa pagkontra sa mga pagsisikap niyang ibalik ang parusang kamatayan.

Sinabi ng EU External Action Service, ang katumbas ng foreign office, na ipinatawag nito si Charge d'Affaires Alan Deniega sa Brussels headquarters upang magbigay ng "explanation for the recent, unacceptable comments of President Duterte."

Nauna rito, itinanggi ng EU ang mga alegasyon ni Duterte na nagpanukala itong resolbahin ang problema ng droga sa Pilipinas sa pagtayo ng mga treatment clinic kung saan maaaring gumamit ng droga, gaya ng methamphetamine o cocaine, ang mga adik.

Naglabas ang EU Delegation to the Philippines ng pahayag na nagsasabing hindi ito nagsuhestiyon o nagpanukala ng paggamit ng “any substitution drugs when treating addiction to methamphetamine ... or any other drug addiction in the Philippines."

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina