Hindi pa man natatapos ang school year ay puspusan na ang paghahanda ng Department of Education (DepEd) para sa muling pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Naglabas ang DepEd ng memorandum noong Marso 17 para sa paglulunsad ng 2017 Oplan Balik Eskwela. Nakasaad dito ang pagbuo ng mga public assistance station para sa school year 2017, 2018 na tutugon sa mga problemang sa pasukan, at titiyak nakapagpapatala ang lahat ng mag-aaral at makapasok unang araw ng eskuwela.

Magsisimula ang Oplan Balik Eskwela sa Mayo 29 at magtatagal hanggang sa Hunyo 16. (Mary Ann Santiago)

'Ang sakit!' Coco Martin, isinumpa noon ang ABS-CBN