MEXICO CITY (AP) – Isang grupo ng 29 na preso ang naghukay ng lagusan para makatakas sa isang kulungan sa estado ng Tamaulipas sa hilagang Mexico.

Binaril at napatay ng isa sa kanila ang isang dumaraang motorista at inagaw ang sasakyan nito sa Ciudad Victoria, ang kabisera ng estado. Nahuli na ang 12 pugante.

Sinabi ni Tamaulipas state security spokesman Luis Alberto Rodriguez nitong Huwebes na naghukay ang mga preso ng tunnel na may 5 metro ang lalim at 40 metro ang haba para makatakas. Nakatago ito sa isang kubo na ilegal na itinayo ng mga bilanggo sa isang bahagi ng kulungan na kanilang kontrolado.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na