NAKAHUGOT ng pinamakagandang performance ang University of the East mula sa kanilang doubles pair nina Paulo Baran at Jeric delos Santos upang magapi ang University of Santo Tomas at makamit ang una nilang men’s title sa pagtatapos ng UAAP Season 79 lawn tennis championship nitong Lunes sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tinalo ng Red Warriors ang Tigers,3-1 upang pormal na makopo ang titulo.

Bumalikwas mula sa 0-5 na pagkakaiwan sa second set sina Baran at Delos Santos upang magapi ang Tigers pair nina Bernlou Baring at En-En Lopez, 6-7, 6-7, 7-5 at maselyuhan ang kanilang dominasyon.

Nauna rito, dinikdik ni tournament MVP AJ Lim si Jose Francis Suazo, 6-0, 6-0 sa first singles na sinundan ng panalo nina RJ Saga at Rogelio Estaño sa larong tumagal ng dalawang oras at kalahati kontra kina Clarence Cabahug at Joel Cabusas 5-7, 6-4, 7-5 sa unang doubles match.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Nakaiwas naman sa shutout ang UST nang makasingit ng panalo si Dave Mosqueda ,6-4, 6-7, 6-3 laban kay Dolfo Barquin sa ikalawang singles. (Marivic Awitan)