SA July, five years na sa showbiz si Thea Tolentino, ang ultimate winner ng talent search na Protege. After winning the search, nagkaroon agad ng lead role si Thea sa Pyra, Ang Babaeng Apoy pero mas tumatak siya nang gawin siyang kontrabida bilang kakambal ni Barbie Forteza sa The Half Sisters. Tumagal nang mahigit isang taon at naging longest afternoon prime drama series ang The Half Sisters, at simula noon, mas napadalas ang projects ni Thea bilang kontrabida.

“Tama po pala ang sabi na mas malaki ang chance mo na mabigyan ng project kapag isa kang kontrabida,” nakangiting kuwento ni Thea na paos habang kausap sa pocket interview sa kanya. “Simula po nang mga kontrabida roles ang gampanan ko, pinakamatagal akong nababakante ng three months. Kaya nagulat ako na a month after ng Hahamakin Ko Ang Lahat, tinawagan na ako para gampanan ang role ni Trish, ang first girlfriend ni Alden Richards as Benjie sa Destined To Be Yours nila ni Maine Mendoza. 

“Nung una, medyo natakot ako, kasi AlDub ang makakasama ko, pero tinanggap ko rin dahil honor para sa akin na makatrabaho sila. Nang tanggapin ko ang role, kinabukasan tinawagan na agad ako para magsimula na ng mag-taping. 

“Inalam ko muna kung sino si Trish. College sweethearts pala sila ni Benjie, pero medyo kikay siya at naipalabas na iyong parang throwback namin ni Benjie, na ikinuwento niya kay Sinag (Maine), may dati siyang girlfriend na nahuli niyang nakikipaghalikan sa isang guy na kaibigan din namin, minsang may date sana kami, sinabi niyang hindi siya makararating, pero dumating din siya at nahuli niya ako. Hindi na ako nakapagpaliwanag sa kanya at iniwan niya ako.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Walang closure ang aming relasyon.”

Kumusta ang pakikipagtrabaho niya kina Alden at Maine?

“Kami po naman ni Alden, nagkasama na noon nang mag-guest siya sa Protege at naging ka-partner ko siya sa isang test namin sa show. Nag-guest din siya sa TeenGen, iyong first show ng Protege at sa mga events na naiimbita kami at sa Sunday shows ng GMA. Wala pa ring ipinagbabago si Alden, bukod sa napakabait pa rin niya, ang husay niyang actor. 

“Na-amaze ako kay Maine, akala ko tahimik lang siya, pero napaka-hyper pala niya, nakakahawa siya na kailangan ko, kasi hindi ako ganoon ka-hyper na tao. Ang husay niyang umarte kahit first soap pa lang niya ang Destined To Be Yours.”

Ayaw mag-spoiler si Thea kung magkakabalikan ba sila ni Benjie sa istorya o kung magkakaroon ba sila ng kissing scene.

If ever, ready ba siya sa bashing ng fans nina Alden at Maine na ayaw na may ibang nakakatambal ang dalawa?

“Noong ipalabas po iyong throwback namin ni Benjie, tumingin ako sa social media accounts, at wala po naman silang reaction. Wala pa po akong alam sa story, pero hindi kami allowed magkuwento, panoorin na lang po ninyo, next week mapapanood na ako.”

Hindi ikinaila ni Thea na going strong ang relasyon nila ng boyfriend at naging Protege co-finalist niyang si Mikoy Morales. Four years na silang mag-on at desisyon nilang manahimik noon sa kanilang relasyon, pero sabi nga ni Thea:

“Mahirap pong maglihim, baka magalit kayo sa amin na niloko namin kayo ni Mikoy for four years.” (Nora Calderon)