Mga Laro Ngayon

(Moro Lorenzo Field)

2 n.h. -- NU vs AdU

4 n.h. -- UP vs UE

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

TARGET ng defending champion University of the Philippines na makopo ang solong kapit sa ikalawang puwesto sa pakikipagtuos sa University of the East ngayon sa UAAP Season 79 men’s football tournament sa Moro Lorenzo Field.

Liyamado ang Fighting Maroons sa Red Warriors sa kanilang duwelo ganap na 4:00 ng hapon.

Puntirya naman ng National University na matuldukan ang magkasunod na kabiguan sa pagharap sa Adamson University sa unang laro sa 2:00 ng hapon.

Matapos ang 1-1 draw kontra sa nangungunang Ateneo sa pagsisimula ng second round, ginapi ng UP ang Far Eastern University, 1-0, nitong Linggo para mapantayan ang karibal na may 18 puntos.

Nangunguna ang Blue Eagles, tanging koponan na may malinis na karta, tangan ang 23 puntos.

Galing naman ang UE sa 0-2 kabiguan sa De La Salle nitong Linggo.

Naghahabol ang Bulldogs, ranked No. 4 sa first round, sa Growling Tigers nang tatlong puntos matapos ang kabiguan sa Tamaraws (1-2) at Eagles (0-1).