Aabot sa P250,000 halaga ng shabu ang nasamsam mula sa isang grupo ng mga tulak ng ilegal droga sa Caloocan City, nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Sr. Supt Roberto Fajardo, Northern Police District (NPD) director, 35 katao, kabilang ang dalawang “high value targets”, ang naaresto sa ikinasang operasyon malapit sa La Loma Public Cemetery. Kinilala ang mga suspek na sina Santiago “Santi” Adriano at Alvin “Bunso” Reyes.

“We confiscated 62 sachets of shabu with a street value of about P250,000. Other drug paraphernalia were also seized. No one was hurt in our operation,” pahayag ni Fajardo sa Balita.

“The suspects are also included in the NPD Drug Watch List for their involvement in the illegal drug activities in Caloocan,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Fajardo na si Santiago ang leader ng “Adriano Drug Group.”

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong 2:00 ng hapon ay nagsanib-puwersa ang mga tauhan ng PDEA-NCR, NPD, at Manila Police District (MPD) sa pagsalakay sa mataong lugar sa kahabaan ng Tagaytay St., malapit sa La Loma Public Cemetery sa Barangay 131, Caloocan.

Ayon pa sa hepe ng NPD, nasa kustodiya nila ang 22 suspek habang ang iba pa ay nasa MPD. (Jel Santos)