Angel locsin copy copy

FINALLY, hindi na lonely heart si Angel Locsin. Sa kanya na mismo nanggaling na, “Happy heart naman.”

Hindi na nagawang maitago ng aktres na may nanliligaw sa kanyang non-showbiz guy na ayaw niyang pangalanan dahil wala pa naman daw silang relasyon.

In fairness kay ‘Gel, hindi siya tulad ng iba na inililihim ang pagkakaroon ng boyfriend. Consistent din siya na habang nasa dating stage pa lang at hindi pa niya opisyal na karelasyon, hindi talaga niya binabanggit. Para siguro kung hindi man sila magkasundo, e, hindi nakakahiya sa panig ng guy.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kuwento ni Angel kay Gretchen Fullido ng TV Patrol, “Okay naman siya, tumitibok-tibok naman. Lumalabas ako ngayon, yes. Lumalabas ako ngayon. Kaka-start din naman. Huwag na nating pangunahan. But happy heart naman.”

Tinanong din siya ni Gretchen kung bukod sa naturang non-showbiz guy ay may iba pang suitor na ini-entertain ang aktres.

“’Pag nag-date naman ako, exclusive naman. Never naman akong nag-date nang sabay-sabay. Wala namang ganu’n. Ano, date, sabay-sabay? ‘Di naman ganu’n siyempre. ‘Pag nag-focus ako sa isang tao, ‘yun muna and ‘pag ‘di naging okay, e, di move on,” paliwanag ni Angel.

May duda kami na ang non-showbiz guy na binabanggit ni Angel ay ipinakilala sa kanya ng friends niya o common friends nila. (REGGEE BONOAN)